3.15.2008
APPROVED!! :D
super naging experience sakin toh, kaya i'll post an entry about this :D heee. haha!
ok game.so, yung interview ko sa US Embassy scheduled siya ng March 14, 2008, Friday. So nung Thursday night ngppractice kami ni ate mhae. tinatanong nya ko ng mga questions na possibleng itanong sakin. para atleast diba, prepared ako. haha tas nready na namin lahat ng papers na dadalhin ko.. mga bank cert, coe nila papa and mama, passport nila etc,etc.. so ayun nga. inabot na kami ng mga 1am. kasi kausap namin si ate, ngtatanong kami sa knya ng mga tinanong sa kanya. haha kasi nainterview na din siya dati. tas mga quarter to 2 dumating na si papa at naabutan padin niya kaming lahat na gising. super maiyak-iyak nako ng mga oras na yun kasi kinakabahan ako..
suuupppeeerrr. alam mo yung gusto ko na lang iyakan yung consul para iapprove niya visa ko! HAHAHA.
[kung pwede lang eeh. yun na lang tlga gagawin ko!] tapos minor palang kasi ako, kaya required atang may kasama sa interview. kaya ang isasama ko is si tita Fely.. gusto din nya kasi sumama para alam niya kung ano din gagawin nya sa interview nya, ngapply din kasi siya eh. [kamusta nmn db, nag-aalisan na kmi. haha] eh si tita may
F and P syndrome. AHAHAHA. gets niyo ba? cge example..
nanay ko mgttxt skin,
mama: anak, pakikuha nga ng
passFort ko sa volts.
eriko: ma, wala sa volts yung
PASSPORT mo.
mama: eh nasan? tanong mo kay papa kung nasa kanya yung
passFort ko.
oh, kamusta sa P at F dibaaaa? haha. tinama ko na nga eeh! tnxt ko pa na ng naka all caps. ganun pa din yung reply. ampppppp. hahahaha! ewan ko ba siguro ganun talaga pag tumatanda na. nyaay. pero excuse me! pag ako tumanda, hindi naman ako ganyan! :))
NEVERRRR.so anyway, ayun nga. sabi ni ate, baka daw pag hindi ko naintindihan yung tanong, hndi din maintindihan ni tita fely. so pano na? iyak na lang kami. hahaha. kaya ang gusto niya si ate mhae na lang.. eh si ate mhae wala naman siyang experience sa mga ganyan.. hindi pa naman siya nakakapunta ng ibang bansa or something.. kaya ganun. EH SI
PAPA, saktong anjan naman.. aba, ayaw sumama! busy daw siya! lech. pinagpalit pako sa trabaho niya. jusko. super naglulupasay nko para lang sumama siya. ayaw talaga.. errr. napaka
supportive mo talagang tatay! hmmp.
eriko: PAPAAAAAAA!!!
papa: ano??
eriko: eeeeeh!! naiiyak nko!
papa: edi iyak ka.
eriko: ARRRRRRRGH.
haha. kaya no choice, si tita Fely talaga. edi after naming magrambulan, sabi ni ate panuorin daw namin si
RENALDO LAPUZ. yung Filipino na sumali sa American Idol. hahaha. super laftrip! takte. lalong napapahiya ang pilipinas! pero nakakatawa talaga siya. SWEAAAAR. panuorin niyo sa youtube. haha!
"I AM YOUR BROTHER, BESTFRIENDS FOREVERRRR!" =))=))
infair, tuwang-tuwa sa kanya sila paula aah. lalo na si Simon!XD hahaha. super kulit kaya nila.
ANYWAY, back to my story. so i slept na around 3.30am.. at ABA, si
Ichigo yakap-yakap ni papa! haha. eeeh, tinitipid ko nga yung amoy nung tshirt ni arco tas niyakap lan

g nya! edi lahat ng amoy ng yosi andun na sa tshirt! PSSH. kaya nakipag-agawan muna ko ng bear bago matulog. ayuuun, kelangan ko gumising ng 6am! oh db, saksakin niyo na lang ako sa hhheaart. eeeh, napasarap tulog ko. nagising nako ng mga 7am. ngpagising pa naman ako kay arco. pero useless, kasi kahit yung alarm clock kong pang bingi yung alarm, hindi epektib sakin eeh. kaya ayun, hinila na lang ako ni ate mhae. :)) so naligo nako.. ngbihis na ng formal-formalan.. tas we went straight na to tita Fely's house. at pinahiram niya ko ng sandals na super cute, na super taas ng heels, na super sakit sa paa. NIIICE.
kelangan daw naming mkadating nung mga one hour before.. kaya maaga na kami umalis. habang nasa daan kami, tahimik lang akong ngttxt..
[masyado bang halata na super kabado ako? haha!] tas ktxt ko lang si arco. kasi ayaw daw pirmahan clearance ko! lech. kelangan daw andun ako! eeeh kamusta naman, may interview nga ako! anubeeee. so ayun, bnadtrip lang nila ko. psh. tas ngttxt skin silang lahat.. goodluck daw. aaww.
thanks nga pala sa mga yon :) loveyah guys!ü so ayun, narealize ni tita Fely na hindi din nya kaya.. haha! kaya si ate mhae na lang daw isama ko.
BETTER. :D so nagpark kami dun sa may tapat ng Emeral resto, kasi walang parking lot ang embassy. kamusta. naiwan sila tita tska maiko sa car. edi ayun, kelangan pa naming tumawid sa kabilang kanto.. eh ang stop light after ten years mag red. ewan ko ba. so nung nagred na din sawakas yung stop light, tumawid na kami.
pag dating dun sa pila sa harapan ng embassy. madaming vendors. tapos may narinig kaming sumisigaw ng
"KELANGAN PO NG BLACK BALLPEN SA LOOB! MAGDALA PO KAYO NG BLACK BALLPEN!" pero hndi namin nakita kung sino yun.. edi labas si ate mhae ng black ballpen sa bag niya para ready. pag dating dun sa may entrance, hiningi yung application form tska passport.
EH TAKTE. wala yung passport ko dun sa clear book. nahulog ko ata sa car or somewhere. hahaha!
EDI PATAY-PATAY NANAMAN. so bumalik ulit kami.. habang ngaantay sa ten years na stop light, nakita namin kung sino yung sumisigaw knina.. narealize namin hindi pala siya taga Embassy. vendor pala siya ng ballpen.
BLACK BALLPEN. :)) takte. tawa kami ng tawa ni ate mhae habang tumatawid. patawa si manong. pag dating dun sa CRV, inabot samin ni tita Fely yung passport kay ate mhae. napulot daw ni manong. HAHAHAHA. oh db, hanapin ang tanga. nalaglag ko pala nung pagkababa ko! EPAL. tssk.
it's God's plan. :)):)) edi nung nakabalik na kami dun sa entrance.. binigay na namin dun sa girl with metal-mouth yung application form tska passport.
girl: kaano-ano mo siya? (pointing to ate mhae.)
eriko: cousin.
girl: asan ang parents?
eriko: yung mom ko nasa japan, si papa busy.
girl: ah. ilang taon ka na?
eriko: 15.
girl: what time ng interview?
eriko: 10:30.
..tas ngradyo-radyo siya. tnatnong kung pwede ksma si ate mhae.girl: uhm, siya lang po pwede pumasok. (pointing at me.)
ate mhae: WHAAAAT?eriko: OMG. BAKIT?!?!?!?!?!girl: pwede niyo na lang po siya antayin jan sa labas.
ate mhae: mga ilang hours ba?
girl: mga 2-3hrs.
eriko: nyeta.
girl: isabay nyo na lang po siya sa knya. (pointing to this tatay with his kid, behind us.)
guy: cge, ok lang.
takte db? haha. super gusto ko na mamatay ng mga oras na yun. gusto kong batukan ng bonggang-bongga yung babaeng may braces na anliit-liit ng mga ipin. kainis talagaaaaa. buti na lang mabait yung tatay. haha. so sa gate 3 kami pumasok. pagdating dun, check-check ng gamit.. tas pagpasok namin, tinuro nila kami sa Embassy Pavilion. dun daw kami dumerecho.. pagdating dun pumunta kami sa window number 4. bnigay ko yung application form and passport ulit. binigyan na niya ko ng number.
2910. antayin daw matawag yung number. edi umupo nako sa may gilid. super daming tao. AS IN. humiwalay na din sakin yung mag-ama, so ako na lang mag-isa.. WAH. edi ayun, mukha akong batang nawawala. haha. tas may dumating na girl, super pretty nya. ang puti-puti, siguro mga nsa 20's palang.. basta super look a like ni MARIE DIGBY. promise!! umupo siya sa harap ko.. tas parang napatingin siya skin. para kaming nagtitigan ng mga 5seconds. hehehe :) then after ilang minutes, tumayo siya. lumipat siya sa may tabi ko. kasi maluwag sa place ko.. edi tumabi siya skin.. tinitignan ko siya, nagbabasa siya ng bible. hehe nagulat ako. pero wala lang. ang ganda padin nya. haha! mga after ilang minutes ng pag-aantay.. siguro nainip na din sya, tnanong niya ko kung ano daw number ko. sbi ko, 2910. pinakita nya yung kanya, 2916. mejo malapit-lapit lang kami. eh wala nama nakong idea kung ano ggwin ko next. haha naisip ko, atleast db, may someone familiar nakong kasma..
girl: first timer ka?
eriko: yep. *killer smile*
girl: what's your name?
eriko: uhm, eriko. *killer smile*
girl: wow, nice name huh.
eriko: *killer smile* hehe, japanese name eh. *killer smile*
girl: oooh, really? so are you japanese?
eriko: yep, half.
girl: sinong japanese? dad or mom?
eriko: dad *killer smile*
girl: aahh. nkpunta ka na ng japan?
eriko: yep,yep. i went there last year.
girl: talaga?? wow.
eriko: hehehe.. *killer smile*
girl: actually, i went there nung mga 2002.. navy kasi husband ko. dun sila ngsstay sa may base.. and may pinuntahan akong conference, kaya mga 4days lang ako.
eriko: talaga.. *killer smile*
girl: super ganda dun noh? grabe. sa yokohama kami ngstay eh. (pnronounce nya ung YOKOHAMA, na parang kay marie digby. sweaaaaaaaaar.)
eriko: oooh, super lapit lang namin dun.. and alam ko, si mama pmpnta din siya sa US base. *killer smile*
girl: talaga??! gusto ko ngang bumalik dun eeh. ang ganda talaga. lalo na yung mga tao dun, fashionista talaga.. ang babait pa.
eriko: oo nga. *killer smile*
super daldal nya noh? hahaha. pero ang friendly nya talaga. oh, and her name is Ruth. haha natanong ko na lang yung name nya after ng convo namin. ang daldal eeh.. taga pampanga pa daw siya. basta. i love her :) pinakita pa niya sakin yung family picture nila. oh db, close kami :D ahaha. tapos after 40 freaking minutes of waiting, tinawag na yung number namin. eh by ten's yung twag ng number. 2901-2910. toiink. hindi siya umabot. sayang.. hehe so ayun, we said our goodbyes and goodlucks. :D syempre ako with killer smile. haha! then narealize ko na dun pala kami ppnta sa may finger printing chuchu. edi pila nanaman ng napakatagal. nakatayo pa. KAMUSTA SA PAA KO? ang taas ng taas ng heels.. grabe. super sakit na talaga niya. eh no choice naman ako.. poise pa din syempre. tae. :)) tas ang pang finger print, sosyal. hndi yung ink. parang scanner.. haha. hi-tech! :P kaya dpat malinis at dry ang hands mo. psh. kaya antagal ng pila.. kasi yung iba sa sobrang init or sa sobrang kaba, pawis-pawis na ung kamay. EH PANO PKO? :)):)):)) ktaehan. sa sobrang inip.. si manong guard, kinausap ako. haha. :)
manong: ikaw lang magisa?
eriko: opo. *killer smile*
manong: first time?
eriko: opo. *killer smile*
manong: aahh. bakasyon lang?
eriko: hehe opo.
manong: mabibigyan ka nyan..
eriko: (magdilang anghel ka sana manong.) *super smile*
ahahaha. ang bait naman ni manong :) sana ikaw na lang yung consul. haha!XD edi nung turn ko na, yung amerikanong babae yung nsa counter. nilagay ko na yung first four fingers ko sa left hand. then yung four fingers sa right. tas yung two thumbs.. hndi naman masyadong ngtagal yung akin kasi maayos naman yung pagkakalagay ko ng mga finggers ko :D booyea. so ayun. nasabi na lang ng girl, "thank you and have a good day!" i wish. then i said na my buhbye to manong guard.. sbi nya, "cge. pnta ka na dun.. kaya mo yan! :)" aaaaww! :D thanks manong! haha.
so nagpunta na nga ako dun sa room na super dami pa ding taong nagaantay na matwag ang kanilang number. hehe at nrealize ko, yun na pala yun. dun na ang interview. PAKSHETTT. nung mga nasa 2987 palang yung number, hndi pko msyadong kinakabahan.. tas inoobserbahan ko yung mga ibang applicants. may iba, tahimik lang na ngaantay matawag number nila.. yung katabi ko, ang daldal eeh. tawa siya ng tawa. ngssmile na lang ako sknya.. kulit nya eh. haha tas yung iba mkikita mo talagang knakabahan sila. tas yung mga taong lumalabas, ansasaya nila. siguro naapprove sila. haha. nung nsa 2908 na, takte. gusto ko na mamatay. errr. edi ayun na. tumunog na ung prang doorbell. tinatwag na yung number ko sa window 3. pg dating ko dun, amerikanong lalake ung consul. siya ung nginterview skin. ngsmile lang ako, approved na. AHAHAHA. joke. :D basta.. onti lang naman yung tnanong nya. mga 2mins lang ung interview.. kaya hndi ako masyadong napressure. :D:D
consul: are you alone?
eriko: yep. *killer smile*
consul: brave huh.
eriko: (WELL..) *killer smile*
hahahaha. then poof! hindi na niya binalik sakin yung passport ko at inabot na niya sakin yung yellow paper. :D wala na.. approved na! :D kaya yung mga may balak mgapply jan, madali lang naman eeh. ayusin niyo lang ang pagsagot. wag kayong mgpahuling nagsisinungaling kayo. ahaha!XD at don't forget ang killer smile, it works :)
then we went nga pala to Oceanarium after that. haha hindi masyadong natuwa. puro isda. :- ahahaha. anliit pa. mas maganda padin talaga sa Sea Paradise :D hihi.
you know you love me.
xoxo,
E :]
P.S.
please visit my multiply. kk?
http://eleekoh.multiply.com